Gamot sa Singaw | Paano Mawala ang Singaw

‘Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa at sasabihin ko na agad ang pinakamabisang gamot sa singaw — Gengigel Hyaluronic Acid Topical Gel. Ayokong sayangin ang oras ninyo at pabasahin ng masyadong mabahang article para lamang malaman kung paano mawala ang singaw.

Paano Mawala ang Singaw?
shopee button

Gengigel – Ointment for Singaw

Madalas akong magkasingaw simula pa man noong ako’y high school hanggang ngayong nagka-edad na ako. Nagkakasingaw ako sa tuwing nakakagat ko ang labi ko at sa tuwing nadadali ng aking dental braces ang ilang parte ng bunganga ko.

Kinwento ko sa dentista ko na madalas nga akong magkasingaw at agad naman nyang akong nirekomendahan ng Gengigel Topical Gel. Medyo may kamahalan ang benta nya ng Gengigel sa kanyang clinic. Hindi kasi ito ganoon ka-available sa mga butika. 250.00 PHP ang benta ng aking dentista para sa isang 1ml pack ng Gengigel. Ngunit naghanap ako online at nakita kong may tig-100.00 PHP lang na 1ml pack ng Gengigel sa Shopee. Simula ng makita ko ang Gengigel sa Shopee ay laging online na lang ako umoorder sa tuwing magkakasingaw ako.

Narito ang ilan sa litrato kung saan mabilis na gumaling ang dalawang magkatabi at malalaking singaw ko sa loob ng tatlong araw lamang gamit ang Gengigel Topic Gel.

Gamot Sa Singaw - Paano Mawala ang Singaw

Bakit Gengigel ang Pinaka-Mabisang Gamot sa Singaw sa Bibig?

Ilang taon na akong madalas magka-singaw. Ewan ko ba, kahit ang liit-liit ng mga singaw ko, napakasakit talaga nila at nakaka-apekto sila sa simpleng pagkain, pagsasalita, pag-inom at minsan kahit sa paglunok ng laway.

Napakadami ko nang nasubukang gamot sa singaw at maya-maya lamang ay iisa-isahin ko sila at ang experience ko sa kanila. Sa lahat ng nasubukan ko, ang pinaka-gumana sa akin at Gengigel at tawas. Mas mahal nga lang ang Gengigel pero ang kaibahan kasi nila ay sobrang masakit ang tawas kapag nilagay sa singaw, as in sabay na tutulo luha mo at laway mo pag naglagay ka ng tawas sa singaw. Sobrang pagtitiis pero epektibo naman. Ang Gengigel naman, wala talagang mararamdamang sakit, sa katunayan, medyo malamig ito sa bibig.

Nirerekomenda din ng mga medical at dental professional ang Gengigel para sa kahit anong sugat sa bibig kagaya ng singaw sa labi, singaw sa dila, singaw sa gums, gingivitis, post-surgery wounds, sugat pagkatapos bunutan ng ngipin, dry mouth, at iba pa.

Gamot sa Singaw - Gengigel Ointment
shopee button

Ang Gengigel ay naglalaman ng 0.2% Hyaluronic Acid na syang nakakatulong sa pagpapagaling at paghilom ng singaw. Bukod sa pagpapagaling ng sugat, ang Hyaluronic Acid ay nagsisilbing barrier o pananggalang sa singaw. Kumbaga, nagsisilbi itong “band-aid” para sa bibig. Meron din itong anti-bacterial properties na makatutulong para sugpuin ang bacteria na namuo sa singaw mula sa ating laway. Maaarin ninyong basahin ang may detalyado kong review ng Gengigel sa post na ito.

Singaw in English – Mouth Ulcer

Malamang may mga nagwawari sa inyo kung ano ba ang singaw in English. Ito ay tinawag na mouth ulcer or canker sore sa wikang Ingles. May maliit na pagkakaiba ang mouth ulcer at canker sore. Ito ay kung ano ang naging sanhi ng singaw. Ang mouth ulcer ay bunga ng trauma sa bibig, gaya ng aksidenteng pagka-kagat sa labi o dila, o kaya naman nairitang oral tissues dahil sa pustiso o braces. Ang canker sore naman ay bunga ng kondisyon na tinatawag na Apthous Stomatitis.

Mga Karaniwang Sanhi ng Singaw

Marami sa atin ang malamang sa malamang ay nagka-singaw na. Narito ang mga dahilan kung bakit nagkakasingaw ang isang tao:

  • Dental Braces – Ang mga metal o ceramic na brackets pati na ang wires ng braces ay di hamak na madaling makasugat ng bibig. Sa mga taong nagsusuot ng braces, karaniwan ang pagkakaroon ng singaw. Kagaya ko, karamihan ng naging singaw ko sa nakalipas na mga taon ay dahil sa braces. Maaring maiwasan ang sugat sa bibig sa paglalagay ng ortho wax sa braces at sa pag-aapply ng ointment for singaw.
  • Sungki – Kung ikaw ay sungki o may matatalas ng pangil, ikaw ay prone sa pagkakaroon ng singaw. Maaaring kumonsulta sa iyong dentista upang mabawasan ang risk ng iyong pagkakasingaw. Maaarin i-reshape ang iyong ngipin para mabawasan ang talas at maaari ka ring magpa-braces para maituwid ang iyong sungki. May katagalan ang proseso ng braces at malaki din ang risk ng pagkaka-singaw kapag may braces kaya mainam na pag-isipang mabuti ang iyong desisyon.
  • Maaasim na Prutas – Oo, healthy ang pagkain ng prutas pero alam mo ba na ang acid mula sa maaasim na prutas ay maaaring makapagdulot ng singaw? Ang acid mula sa prutas ay nakaka-strip off ng oral tissues na nakakapagdulot ng madaling pagkakasugat sa bibig. Ilan sa mga halimbawa ng acidic na prutas ay orange, dalandan, kalamansi, pinya, at lemon. Kung ikaw ay may singaw na, dapat lamang na iwasan ang mga prutas na ito dahil makakapagpalala lang ito ng iyong singaw.
  • Stress – Ang labis na stress ay nakakapagpahina ng depensa ng katawan. Ito ay pwedeng makakadulot din ng singaw. Ang hormonal changes, masyadong pag-aalala, labis na pagbibilad sa araw ay kaakibat ng stress na maaaring maging sahni ng singaw sa bibig.
  • Kakulangan sa Vitamin C – Kagaya ng nabanggit sa itaas ang taong may mahinang immune system ay mas prone sa pagkaka-singaw. Kung ikaw ay kulang sa Vitamin C, malamang ay mayroon kang mahinang immune system. Ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain at uminon ng Vitamin C supplements araw-araw. Ang regular na pag-inom ng Vitamin C ay mabuting alternatibong gamot sa singaw.

Home Remedies Para sa Singaw

Kung ikaw ay nagtitipid ngunit gustong guminhawa ang sakit na dulot ng iyong singaw. Narito ang ilang alternatibo sa doctor-recommended na gamot sa singaw.

Salt Water Solution

Ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin ay nakaugalian na ng mga Pilipino para mapainam at mapagaling ang singaw. Gumagana ba ito? Ang sagot – oo, gumagana ito dahil may antibacterial properties ang asin na siyang nakakalinis ng sugat sa bibig. Masakit nga lang ang asin sa singaw kaya tamang tiis lang kung gusto mong gumaling ang iyong singaw. Kung nais mo namang maghanap ng pagmumog na mas epektibo sa salt water ay hindi masakit sa bibig, maaari mong subukan ang Gengigel Mouthrinse. Medyo may kamahalan nga lang ito (850.00 PHP on Shopee) pero lubhang mabisa para sa singaw sa dila, gums, at loob ng pisngi.

Gengigel - Gamot sa Singaw
shopee button

Tawas sa Singaw

Noong akong high school student, tawas ang madalas na pinapagamit sa akin ng nanay ko para gumaling ang singaw ko. SOBRANG sakit ng tawas kapag nilagay sa singaw, as in tutulo ng malala ang luha at laway mo ng sabay. Gayunpaman, epektibo din talaga ang tawas sa singaw, napakasakit nga lang.

Baking Soda

Kung gusto mo ng mas sosyal sa tawas, eh pwede mong subukan ang baking soda. Ang epekto nito ay tila kaparehas ng sa tawas. Masakit sya kapag in-apply at nakakapagpatuyo ng singaw. Ang baking soda ay may anti-bacterial at anti-inflammatory properties din na nakakapagpahupa ng sakit at pamamaga ng singaw.

Yogurt o Honey

O di mo kailangang mag-diet ha? Mainam na gamot sa singaw ang yogurt dahil ito ay nagtataglay ng good bacteria na siyang lalaban sa bad bacteria na nananalagi sa singaw sa bibig. Kung ikaw naman ay may mabibilhang organic honey, magandang alternatibo ito sa yogurt.

Daktarin for Singaw – NOT RECOMMENDED

Itong brand na ito, hindi ko sya irerecommend base na rin sa experience ko dito. Hindi umpekto ang Daktarin Oral Gel sa akin at isa pa, ang sakit nya sa singaw at tila pinalala lang nito ang kalagayan ng singaw ko. Maaaring basahin ang sinulat kong review tungkol sa Daktarin dito sa blog site na ito.


FAQs

Ano ang gamot sa singaw?

Maraming available na gamot sa singaw na mabibili online at sa mga butika. Pero ang ma-irerecommend ko na lagi kong ginagamit para gumaling ang mga singaw ko ay ang Gengigel Topical Gel.

Paano mawala ang singaw?

Kadalasan, kusang nawawala ang singaw depende sa kung gaano ito kalaki. Gayunpaman, mas mapapabilis ang paggaling ng singaw sa tulong ng mga topical gel at tamang oral hygiene.

What is singaw in English?

Ang English ng singaw ay mouth ulcer o canker sore. Tinatawag rin itong mouth sore, apthous stomatitis, o apthous ulcer ng mga bihasa sa medisina.

Epektibo ba ang tawas sa singaw?

Karaniwang sinasabi ng mga nakatatanda ng tawas ang mainam na lunas para sa singaw. Nakatutulong naman ang tawas ngunit paalala lamang sa lubhang masakit ang tawas sa singaw.

Ano ang mabisang ointment for singaw?

Gengigel ang pinaka-mabisang oinment for singaw. Ito ang kadalasang nirerekomenda ng mga medical at dental professionals. Mabibili lamang ito sa dental clinics o sa Shopee. Sa ngayon, hindi pa available ang Gengigel sa Watsons o sa Mercury Drug.

9 thoughts on “Gamot sa Singaw | Paano Mawala ang Singaw

Leave a Reply to maricerna22 Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s